Huwebes, Hunyo 11, 2015

Open Letter

Dear you, 

Alam kong maraming pagkakataon na naiinis ka sa akin, dahil insensitive ako, selfish, mayabang, feeling maganda, feeling matalino o hindi kaya'y may nagawa akong mga bagay na hindi mo nagustuhan. Maaaring nasaktan kita dahil nasaktan ko ang pride mo...o hindi kaya'y hindi ko napahalagahan ang mga taong mahalaga sa iyo. 

Pasensya na ha..alin man ang dahilan hindi ko sinasadyang inisin o galitin ka. Baka nga isa ka pa sa mga taong nais kong lapitan, maka-close pero sadyang hindi ko lang alam kung paano. 

Madalas kasing tahimik lang ako. Nagoobserba, nagiisip. Hindi rin naman ako pakialamera kaya ayoko ding pinakikialaman ng iba. Masaya kasi ako na ako ang nagdedesisyon sa buhay ko. Masaya ako kapag pakiramdam ko malaya ako. Parang noong estudyante pa lang ako...isang notebook at ballpen lang ang kasama ko ayos na. Doon kasi malaya kong naisusulat ang nasa puso at isipan ko na walang nakikialam, walang nanghuhusga. 

Tamad ako? Oo aminado naman ako lalo na sa mga gawaing bahay, wala nga akong masyadong alam don hindi ba. Minsan nga narinig ko ang nanay ko, "isoli mo sa akin ang anak ko kapag ayaw nyo na sa kanya dahil tamad siya." Sa trabaho kadalasan inaantok ako, sadyang antukin naman kasi talaga ako, pero handa ko naman tapusin ang mga dapat tapusin at simulan ang dapat simulan. Huwag kang mag-alala sisikapin kong maging masipag para sa sarili ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, hala sige na nga, para na rin sa iyo. 

Madamot ako? Hindi naman talaga ako madamot, pinahahalagahan ko lang ang mayroon ako. Ganoon ata talaga kapag na-deprive ka sa mga bagay na nais mo noong panahong wala pang pambili ang pamilya mo. Hindi ako madamot, mapagpahalaga ako sa mga gamit ko. Masinop ako sasarili kong paraan (dahil hindi nman maayos ang mga gamit sa bahay man o sa opisina). Ayokong ginagamit ng iba ang gamit ko lalo na at hindi pinagpaalam, pero handa naman kitang pahiramin ng kahit ano, basta pagpaalam mo. Ito ata ang naituro sa akin ng ilang taong pagtira sa dormitoryo at boarding house, ang akin ay akin at ang sa iyo ay iyo. 

Hindi ako sweet? Sweet ako, tanong mo pa sa asawa ko. Hindi nga lang ako "showy" kaya siguro hindi mo nakikita. Sa ibang tao? Well, sweet naman ako sa paraang alam ko na maaaring hindi para sa iyo. 

Mapagkimkim ako ng sama ng loob? Ano ka ba...paano mong nalaman? Nababasa mo ba ang nasa loob ko? Hindi ako nagkikim ng sama ng loob, kadalasan nga pagnakatulog ako, paggising wala na. Kaya kung may samaan tayo ng loob noon at hindi natin napagusapan, malamang nakatulog na ako at paggising ko iba na ang naramdaman ko.

Ang gusto ko lang naman maging ayos tayo, kahit hindi close, basta totoo ka kapag kaharap kita at lalo na kapag nakatalikod ka. At sana lagi mo tatandaan people hated me for three reasons:

1. they hate themselves
2. they want to be me; and 
3. they see me as a threat. 

Sino ka ba sa tatlong yan? 

Kahit ano pa ang sagot mo..peace na tayo, oo mahal kita at nais kitang maging kaibigan! :) 



Nagmamahal, 

Gladys May



1 komento: