Martes, Hunyo 16, 2015

Brand new o 2nd hand?

2nd hand o brand new?
Photos: from the web
Edited by: GMZamora
Brand new o second hand?

Matagal-tagal na rin naman kaming ng cha-chat ng mahal kong asawa about buying our dream car (maka-dream car naman ako di ba?). Nalalapit na kasi ang paguwe niya mula sa tatlong taong pagtatrabaho sa abroad. 

We been talking about this things for a long time na nga, nagsasawa na rin akong maghanap ng options, options at options. Nagsawa na rin si google sa pag-search para sa akin.At first, we are so focused in buying a 2nd hand car dahil hindi naman kalakihan ang ipon namin. Nais lang naman namin na magkaroon ng sariling sasakyan na kung magkakataon ay kauna-unahang bagay na maipupundar namin dalawa bilang mag-asawa. Lakasan lang loob yan sabi pa namin sa isa't-isa.

Ngunit tulad ng isang relasyon, habang dumarami ang nakakaalam, dumarami ang nakikialam sa aming plano (nabasa ko lang ito sa news-feed ng friend ko sa fb..haha). Hey you..oo, ikaw nga! Don't take it negatively, dahil napakalaking tulong ng payo mo at nagpapasalamat kami sa iyo ngayun pa lang. 

Ang sasakyan ay itinuturing na status symbol. Ang bilang ng gulong ng sasakyan na pag-aari ng isang tao ay makakapagsabi ng katayuan mo sa lipunan. At dahil dakilang commuter lang ako (sa ngayon), alam mo na kung saan ako nabibilang. 

Nabanggit ko lang naman yan para sa susunod kong punto. Nais namin bumili ng sasakyan bilang personal na gamit ng lumalaki naming pamilya, at service para sa pinapangarap na negosyo sa paguwe niya. Nais rin namin na mag-joyride kasama ang mga mahal naming anak para kahit papaano ay mapunan ang tatlong taong tiniis namin habang hindi namin siya nakakasama. Kaya ano nga ba talaga ang dapat, brand new o 2nd hand? 


Ang sabi sa artikulong nabasa ko sa web,"Used cars can be a good way to go. But to apply a broad rule that "used is the best" is idiotic. While used cars are a good purchase for some people, new cars are great choice for other.

Karamihan sa mga payo sa akin ng mga taong nakaalam na nais kong bumili ng sasakyan ay, "Mag-brand new ka na lang, sakit sa ulo yan. Pati sira kasi kasama sa bibilin mo." 

Ngunit sa tuwing iisipin ko ang monthly payment ng brand new car na babayaran namin sa loob ng limang taon, napapaisip uli ako. Kaya ba namin? 

Sa business page ng Inquirer.net, may artikulong isinulat si Randell Tionsong, isang financial analyst, ang nakaagaw ng aking pansin. Ang sabi niya, "Should I buy brand new or second hand car?" Tanong na siya mismong nais kong hanapan ng kasagutan. 

Nagbigay si Tiongson na magandang halimbawa ng pagbili ng brand new at second hand cars, gumamit siya ng "real numbers" upang ipaliwanag ang kanyang punto. At ipinayo niya ang mga sumusunod: 

Una, kung cash mong bibilin ang kotse, 2nd hand ang bilin mo dahil higit na mas mura; 

Pangalawa, kung bibili ka tru "auto-loan facility", maaring brand new o 2nd hand ang bilin mo, ngunit para sa kanya mas pipiliin niya ay brand new sapagkat ayaw niyang "sumakit ang kanyang ulo" sa mga problemang kaakibat ng pagbili ng 2nd hand na sasakyan unless mayroong kang malaking ipon para sa maintenance nito (well wala naman kami non); 

Pangatlo, ang pagbili ng sasakyan ay hindi dapat nakabase lamang sa halaga at benepisyo nito. Kung ito ay magpapagaan ng buhay at makakatulong sa hanapbuhay at negosyo inirerekomda niya ang "brand new" sapagkat ito ay importanteng bagay (convinience and more income); at 

Panghuli, ang pinakamahalagang dapat isipin ay ang "budget". Kung bibili ka ng sasakyan at magiging dahilan ito ng iyong kakulangan sa pagsustento sa pangunahing pangangailangan ng inyong pamilya tulad ng pagkain, pag-aaral ng mga anak, pambili ng gatas (para sa amin) at iba pa, mariing ipanapayo ni Tiongson na ipagpaliban muna ang pagbili ng brand new o 2nd hand "dream car" hanggang sa magkaroon ka na ng sapat na pangtustos sa iyong mga pangangailangan. 

Wheewwwwwwwwww! So ano nga ba, brand new, 2nd hand o huwag na lang muna? 

Well, may limang buwan pa kami para pag-isipan ng mabuti ang lahat.Ikaw may plano ka rin ba? Ano sa tingin mo ang nais mo brand new, 2nd hand o huwag na lang muna?   

We want to here from you, dahil ang suhestiyon mo ay mahalaga. 

P.S. Dream car kasi ang nais naming mag-asawa, nangangarap na lang nga di ba, baka puwede namang brand new na! haha 


Reference: business.inquirer.net
           iwillteachyoutoberich.com








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento